Dahil sa nararanasang malalakas na ulan sa ilang bahagi ng Luzon, isa sa naapektuhan nito ang lalawigan ng Pangasinan dahilan para tumaas ang ilang kailugan sa lalawigan na siyang ikinakaalarma ng mga residente.
Dito sa probinsiya, limang kailugan ang binabantayan ngayon ng mga awtoridad partikular na ang mga DRRM Officers ng mga bayan kung saan naroon ang mga kailugan gaya na lamang ng Sinucalan River na matatagpuan sa bayan ng Sta. Barbara, Marusay sa bayan ng Calasiao, Balingcaguing sa Mabini, Agno Banaga River sa Bugallon, at Bued Cayanga River sa bayan naman ng San Fabian.
Base sa pinakahuling monitoring ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ay dalawa ng kailugan ang nakapagtala na ng Above Critical Level ng tubig.
Ang Sinucalan River ay mayroon ng lebel ng tubig na 7.90 meters above sea level as of alas 4 kahapon mas mataas sa critical level nito na nasa 7 meters above sea level habang ang Marusay River naman ay nasa 10 talampakan na ang lebel nito mataas ng tatlong talampakan sa critical level nito na nasa pitong talampakan.
Samantala, ang mga kailugan ng Balingcaguing sa Mabini, Agno Banaga River sa Bugallon, at Bued Cayanga River sa San Fabian ay nananatiling above normal lamang ngunit mahigpit pa rin itong binabantayan ng mga awtoridad.
Sa mga dam naman gaya ng San Roque at Binga Dam ay nananatiling nasa below normal ngunit nakaantabay ang mga awtoridad sa posibleng pagtaas at pag-apaw ng mga ito dahil pa rin sa pag-uulan dulot ng masamang panahon.
Base pa rin sa monitoring ng PDRRMO, ang San Roque Dam ay nasa 255. 73 masl pa lamang ito mababa pa sa normal na lebel nito na nasa 280 masl at ang Binga Dam naman ay nasa 574. 30 masl ngunit nakaalerto ang awtoridad dahil halos maabot na nito ang Normal High-water level na 575 masl.
Pinapaalalahanan ang mga residente na malapit sa mga kailugan na magkaroon na ng evacuation kung kinakailangan upang hindi na maapektuhan ng pagbaha. |ifmnews
Facebook Comments