Dalawang Kalalakihan, Natimbog sa Magkahiwalay na Operasyon ng PNP!

41

Camp Marcelo A. Adduro, Tuguegarao City – Arestado ang dalawang lalaki sa isinagawang magkahiwalay na operasyon ng kapulisan kontra iligal na droga sa lalawigan ng Cagayan.

Kinilala ang mga nadakip na sina Allan Jay Luna, tatlumpu’t dalawang taong gulang, may asawa, empleyado ng DENR, residente ng Carig Norte, Tuguegarao City at si Alvaro Garcia Jr, apatnapu’t siyam na taong gulang, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Nicolas Agatep, Lasam, Cagayan.


Batay sa impormasyong natanggap ng RMN Cauayan, naaresto sa isang Drive Inn Motel si Luna matapos maaktuhang nagbebenta ng isang sachet ng shabu sa isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer.

Nadakip rin sa parehong araw si Garcia matapos magsagawa ng checkpoint at operasyon kontra illegal na droga ang Lasam Police Station sa pambansang lansangan ng Centro dos, Lasam Cagayan.

Narekober sa pag iingat ni Garcia ang dalawang pakete ng pinaghihinalaang shabu at isang lighter.

Nakapiit na ang dalawang suspek at nahaharap sa kasong Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments
From Advertisers