Dalawang kalalakihan, Sugatan Matapos Banggain ng Elf!

Cauayan City- Sugatan ang dalawang katao matapos aksidenteng mabangga ng isang Isuzu elf ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa kahabaan ng FL Dy St. Cauayan City Isabela pasado alas kwatro kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina, Kevin Clyde Ramos, disi nuwebe anyos, residente ng Brgy. District 2 Cauayan City at si Marite Robles, bente anyos at residente ng Research Minante 1 Cauayan City habang kinilala naman ang suspek at drayber ng naturang elf na si Jayson Vidad, trenta anyos, at residente naman ng Brgy. Del Pilar Alicia, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan, lumalabas na binabagtas umano si Ramos at Robles ang nasabing lansangan papuntang City Hall ng aksidenteng mabangga ang mga ito ni Vidad na naging dahilan upang magtamo ng sugat at pinsala sa katawan ang mga biktima.


Agad namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima habang nagkasundo naman ang magkabilang panig na tutulong na lamang sa pagpapagamot ang suspek.

Facebook Comments