Dalawang Kalalakihan, Timbog sa Kasong Pagpatay!

53

Palanan, Isabela – Arestado ang dalawang kalalakihan na wanted sa batas matapos isilbi ang Warrant of Arrest ng mga ito sa Brgy. Didian, Palanan, Isabela.

Ang mga akusado ay kinilalang sina Arcadio Donto Robles, 50 anyos, laborer at Elorde Calingay Bigania, 46 anyos, karpentero at kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Dinakip ng mga kasapi ng PNP Palanan ang dalawang akusado matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si hukom Isaac R. De Alban ng RTC branch 16, City of Ilagan, Isabela dahil sa kasong Murder.

Dinala na sa himpilan ng pulisya sina Robles at Bigania para sa kanilang kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa kanilang court of origin.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng dalawang akusado.

Facebook Comments