Dalawang kalsada sa CAR, pansamantalang sarado dahil sa ulan dulot ng hanging habagat

Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pansamantalang sarado o hindi madadaan ang dalawang pangunahing kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Ito’y dahil sa nagbagsakan ang mga bato at lupa bunsod ng pag-uulan dulot ng habagat.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, partikular na hindi madaanan ay ang ilang pangunahing kalsada sa Benguet at isa sa Abra.


Sinabi ni Villar na nag-collapse ang lupa sa may bahagi ng Marcos Highway sa Taloy Sur sa bayan ng Tuba sa Benguet.

Kaya’t dahil dito, maaaring dumaan ang mga apektadong motorista sa Asin-Nangalisan-San Pascual Road gayundin sa Baguio-Bauang Road bilang mga alternatibong daanan.

Bukod dito, hindi rin madaan ang Abra-Kalinga Road sa Gacab, Malibcong sa Abra dahil sa mga nagbagsakan bato at nag-collapse na lupa kung saan maaari na lamang dumaan ang mga motorista sa Abra-Ilocos Sur Road, McArthur Highway at Maharlika Highway.

Agad naman nagtugno ang DPWH Quick Response Team (QRT) sa mga nasabing lugar para magsagawa ng clearing operation.

Dagdag pa ng kalihim, maglalabas na laamang ng abiso ang DPWH kung maaari ng buksan ang mga nabanggit na kalsada kung ito ay ligtas ng daanan ng motorista.

Ang iba naman national road at mga tulay sa CAR ay nasa maaayos na kalagayan at maaaring daanan ng anumang sasakyan.

Facebook Comments