Dalawang kalsada sa Luzon, hindi muna pinapadaanan sa mga motorista dahil sa landslide dulot ng Bagyong Jolina – DPWH

Inanunsyo ng Deparment of Public Works and Highways (DPWH) na dalawang road section sa Luzon ang hindi muna pinapadaanan sa mga motorista dahil sa mga nangyaring landslide dulot ng nagdaang Bagyong Jolina.

Ang mga kalsadang ito ayon sa DPWH ay nasa Bongabon, Nueva Ecija at Ternate, Cavite.

Paliwanag ng DPWH, ongoing na ang clearing works sa Nueva Ecija-Aurora Road sa Barangay Labi sa Bongabon at Ternate-Nasugbu Road sa Barangay Sapang 2 sa bayan ng Ternate.


Bukod dito, limitado ring pinapadaanan sa mga motorista ang apat pang access road sa Nueva Ecija-Aurora road at Diteke river detour Road, Pinagpanaan-Rizal Pantabangan Road sa Barangay Bicos, Rizal dahil sa pagbaha at pagkasira ng Bicos Bridge.

Samantala, mga light vehicle lang din ang pinapayagang makadaan sa Jaro-Dagami-Burauen-La Paz road sa Marabong Bridge sa Barangay Mogeng, Burauen Leyte dahil sa pagkasira ng ilang bahagi ng tulay roon.

Facebook Comments