Dalawang kapulungan ng Kongreso, may nabuo ng rules para sa joint session

Manila, Philippines – Mayroon ng nabuong rules ang dalawang kapulungan ng Kongreso para sa isasagawang joint session bukas.

Ito ang inihayag ni Senate Majority floor leader Tito Sotto Iii.

Ayon kay Sotto, ia-adopt na lang anya ang naturang rules sa pagsisimula ng joint session para talakayin ang hirit na pagpapalawig ng martial law sa buong Mindanao hanggang December 31.


Una rito, nagpahayag ng pangamba ang ilang senador na baka sa pagbubukas pa lang ng joint session ay maging magulo na at magkaroon na ng mahabang debate sa rules na gagamiting gabay sa joint session.

Facebook Comments