Wednesday, January 28, 2026

DALAWANG KASO NG AKSIDENTE SA KALSADA, NAIULAT SA PANGASINAN

Dalawang magkahiwalay na vehicular traffic incident ang naitala sa iba’t ibang bayan ng Pangasinan kahapon, Enero 27, na nagresulta sa ilang sugatan.

Unang insidente ang naganap dakong alas-8:50 ng umaga sa barangay road ng Poblacion East, Bautista, Pangasinan kung saan isang SUV, na minamaneho ng isang 37-anyos na babae, ang umano’y maghahatid sana ng isang 13-anyos na estudyante sa paaralan.

Ayon sa imbestigasyon, bahagyang huminto at kumaliwa ang SUV upang ibaba ang sakay na estudyante ngunit hindi nito umano napansin ang paparating na motorsiklo mula sa kasalubong na direksyon, dahilan upang magbanggaan sa gitna ng kalsada.

Dahil sa insidente, nagtamo ng injuries ang rider ng motorsiklo at dinala sa ospital, na kasalukuyan pang sinusuri ang pinsala.

Samantala, sa kahabaan naman ng provincial road ng Brgy. San Mariano, Sta. Maria, nagkaroon ng head-on collision ang isang motorsiklo at kulong-kulong dakong alas-7:35 ng gabi.

Ayon sa pulisya, naganap ang insedente sa kurbadang bahagi ng kalsada kung saan papakanan umano ang motorsiklong minamaneho ng isang 31-anyos na lalaki. Sa kasagsagan nito, nakasalubong nito ang kulong-kulong na minamaneho naman ng isang 48-anyos na lalaki kasama ang pasahero nitong 37-anyos, na nagresulta sa pagkakabanggaan ng dalawa.

Dahil dito, nagtamo ng pinsala ang driver at pasahero ng kulong-kulong at agad na isinugod sa ospital.

Sa parehong insidente, nagtamo ng pinsala ang mga sasakyang sangkot na hindi pa natutukoy ang kabuuang halaga ng pag-sasaayos. Ang mga ito ay dinala sa kani-kanilang police station para sa kaukulang disposisyon at karagdagang imbestigasyon.

Patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho, sundin ang batas-trapiko, at magdobleng-ingat lalo na sa mga kurbadang bahagi ng kalsada at mataong lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments