Nakapagtala na rin ng dalawang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Batangas City.
Ayon kay Dra. Rosanna Barrion ng Batangas City Health Office, mismong ang Department of Health (DOH) ang nagbigay ng opisyal na impormasyon.
Ayon kay Dra. Barrion, sa Batangas City naitala ang nakumpirmang nagpositibo sa COVID-19.
Nagsagawa na ng mga precautionary at preventive measures ang pamahalaang lungsod upang maiwasan ang pagkahawa at pagkalat nito sa mga mamamayan.
Bumuo na rin ng Batangas City task force COVID-19 upang siyang tumugon sa sitwasyon.
Facebook Comments