DALAWANG KASO NG FIREWORK-RELATED INJURY, NAITALA NOONG BISPERAS NG PASKO; BILANG NG KASO, BUMABA NG 88% MULA 2024

Nakapagtala ng dalawang kaso ng firework-related injuries sa Ilocos Region ang Department of Health-Ilocos Center for Health Development simula December 21 hanggang 5PM noong December 24.

Ayon sa datos ng tanggapan, nangungunang paputok na dahilan ng mga insidente ay ang paggamit ng Five Star at Boom boom Firecracker, mga paputok na ipinagbabawal ng awtoridad.

Sa parehong petsa, tinukoy din na bumaba ng nasa 88.2 porsyento ang naitalang kaso mula sa labing-pitong insidente noong nakaraang taon.

Ang datos ay mula sa mga provincial health offices, mga pribadong ospital at iba pang DOH-run o katuwang na medical facility ng Department of Health na pinagkakaisang ininirekord sa Online National Electronic Injury Surveillance System.

Kaugnay nito, patuloy ang pinaigting na kampanya ng awtoridad hinggil sa pagtangkilik sa ibang alternatibong pampaingay sa halip na gumamit ng paputok dahil sa banta nito sa kaligtasan ng publiko.

Facebook Comments