DALAWANG KASO NG UMANO’Y ILLEGAL TRANSFER NG PAGMAMAY-ARI NG SASAKYAN SA EASTERN PANGASINAN, INIIMBESTIGAHAN

Iniimbestigahan ng Land Transportation Office Region 1 ang dalawang kaso ng umano’y ilegal na paglipat sa pagmamay-ari ng motor vehicle sa Binalonan District Office.

Napag-alaman na naganap ang insidente noon pang July 22,2002 at May 2,2023 na hinihinalang may peke, hindi awtorisado at hindi kumpletong dokumento.

Tinitignan ng tanggapan ang posibilidad na maghain ng criminal o administratibong pananagutan sa matutukoy na personnel na gumawa o may nakaligtaan sa transaksyon.

Ayon kay LTO Regional Director Glorioso Daniel Z. Martinez, kailangan tiyakin na lehitimo at kompleto at sumusunod sa umiiral na batas ang anumang transaksyon ng mga motorista sa tanggapan.

Dahil dito, mas paiigtingin ang pagpapatupad ng standard operating procedures sa kada transaksyon at muling isasailalim sa pagsasanay ang mga staff maging ang monitoring ng bawat transaksyon sa mga digital platforms.

Inaasahang makakarating sa LTO Central Office ang inisyal na imbestigasyon para sa pagsusuri. Maaaring maharap sa karampatang imposisyon o disciplinary action ang sino mang mapatunayang may kinalaman sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments