MANILA – Naging matagumpay ang pagtatapos ng ikatlong round ng peace talks matapos mapagtibay ng pamahalaan ng Pilipinas at National Democratic Front ang dalawang kasunduan.Una rito ang Supplemental Guidelines ng Joint Monitoring Committee (JMC) para sa pagpapatupad ng Comprehensive Agreement in Respect for Human Rights at International Humanitarian Law.Ang ikalawa ay ang ground rules para sa pagpupulong hinggil sa Comprehensive Agreement on Socio Economic Reforms (CASER).Nasimulan na rin ng magkabilang panig na pagtalakay sa Rural Development at Agrarian Reforms sa ilalim ng CASER.Umarangkada na rin ang pag-uusap ukol sa Comprehensive Agreement on Political and Constitutional Reforms (CAPCR).Target ng NDF na matapos ng dalawang panig ang dalawang nabanggit na comprehensive agreement ngayong taon para ihabol sa pagtatatag ng isinusulong na Federal Form of Government ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2018.Ayon kay Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, ito na ang pinakamatagumpay na peace talks sa ilalim ng administrasyong Duterte.Patuloy din ang negosasyon ukol sa bilateral ceasefire at pagpapalaya sa mga political prisoners lalo na ang mga matatanda at may sakit.Nagkasundo rin ang magkabilang panig na mas masinsinang talakaying ito sa Pebrero 22 hanggang 27 sa the Netherlands.
Dalawang Kasunduan, Napagtibay Sa Ikatlong Round Ng Peace Talks Sa Italya
Facebook Comments