Dalawang katao, arestado matapos maaktuhang gumagamit ng ilegal na droga sa Marikina City

46

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang katao matapos na maaktuhanggumagamit ng shabu sa  Brgy. TumanaMarikina City.
  Kinilala  ang mgasuspek na sina Anthony Comique alyas dugong 24 anyos at Raffy Angustia alyasRaprap 22 anyos,  kapwa Residente ngbahagi ng Blk. 68, Palay Creek, Brgy. Tumana, Marikina City.
  Ayon kay Marikina City Police Commander  Sr.Supt. Lorenzo Holanday, nakatanggap silang impormasyon  na may nagpa-pot sessionsa naturang lugar  kayat agad nitonginarasan  ang kanyang mga tauhan napuntahan ang lugar.
  Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga operatiba ngMarikina Station Drug Team na gumagamit ng ilegal na droga ang mga naarestongsina Raprap at Dugong.
  Nakuha sa mga suspek ang 3 sachet ng ilegal na droga, 1sumpak, dalawang bala ng shotgun at isang granada.
  Napag-alaman pa na dati nang nakulong ang mga suspekdahil sa mga kasong Robbery/Holdap.
  Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act9165 o Comprehensive Drug Act ang mga naarestong Suspek.
  Aminado naman ang dalawa na matapos silang makalaya ayumabot na sa lima ang mga indibidwal na kanilang naholdap.

Facebook Comments