Dalawang Katao at Isang Menor de Edad, Huli sa Pagbebenta ng mga Iligal na Baril!

Santiago City, Isabela – Nahaharap sa Kasong Paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” ang tatlong lalaki matapos matimbog sa isinagawang Buy Bust Operation alas dos ng hapon ngayong araw, April 13, 2018 sa Brgy. Malvar, Santiago City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Mario Ta-a, kwarentay otso anyos, may-asawa, residente ng San Ignacio, San Mateo, Isabela, Eddie Bose, singkwenta anyos, may-asawa, at isang trese anyos na itinago sa pangalang Erwin na pawang mga residente ng Badas, San Juan, Abra.

Nadakip ang mga suspek sa pinagsanib pwersa ng Santiago City Police Station 1 at Police Station 2, City Intelligence Branch, City Mobile Force Company at CIDG Santiago City.


Nakuha mula sa aktong pagbebenta sa isang poseur buyer at pag-iingat ng mga suspek ang tatlong matataas na kalibre ng 5.56 Baby Armalite Riffle, mga Magazines at bala at isang motorsiklo na may plakang ABD 8193.

Hawak na ng PNP Santiago City ang mga suspek na mapapatawan ng kaukulang parusa.

Facebook Comments