Dalawang Katao na Top Most Wanted sa Isabela, Kalaboso!

129

*Isabela- *Matagumpay na naaresto ng mga otoridad sa magkahiwalay na lugar ang dalawang Top Most Wanted Person sa Lalawigan ng Isabela.

Unang naaresto ng mga otoridad ang Top 5 Most Wanted Person sa bayan ng Echague na si Jimar Nang-is, 32 anyos, binata, walang trabaho at residente ng Brgy Benguet, Echague, Isabela.


Nadakip si Nang-is bandang 3:35 ng hapon noong March 18, 2019 sa Brgy. Suyo, Bagulin, La Union sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio T. Ong, RTC branch 24, Echague, Isabela dahil sa kasong 2 counts ng Rape.

Walang inirekomenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Nang-is.

Samantala, timbog rin kahapon ang Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng Ramon na si Teofel Angelo Canoza, 24y anyos, binata, residente naman ng Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Inaresto si Canoza sa kanyang lugar sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Anastacio D. Anghad, ng RTC, 2nd Judicial Region, Branch 36, Santiago City dahil sa kasong Qualified Theft.

Nasa kustodiya na ng PNP Ramon si Canoza at makakalaya lamang ito kung makakapaglagak ng kanyang piyansa na P18,000.00.

Facebook Comments

From Advertisers