Dalawang katao nagpa-pot session, arestado sa Pasig City

38

Kalaboso ang dalawang katao matapos na maaktohang nagpa-pot session sa V. Baltazar St., Brgy. Sto. Tomas, Pasig City.

Kinilala ang mga suspek na sina Arwin Quitalig, 37-anyos, at Joey Bautista, 39-anyos.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap ng tawag ang Pasig Police Station PCP 5 Personnel mula sa isang concern citizen tungkol sa illegal drug activity sa naturang lugar.

Agad na nagtungo ang mga pulis matapos na makatanggap ng tawag, pagdating sa V. Baltazar Street, Barangay Sto. Tomas, Pasig City, nang mapansin ng mga suspek ang presensiya ng mga pulis, nagpulasan ang mga suspek pero naiwan ang dalawa na nasakote at narekober sa kanila ang tatlong pirasong plastic sachets na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments