Dalawang katao, patay dahil sa heat stroke sa Echague Isabela

Isabela, Philippines – Patay ang dalawang katao makaraang tamaan ng heat stroke sa bayan ng Echague, Isabela.

Nakilala ang mga namatay na sina Lito Pascua, trentay-tres anyos residente ng San Manuel at Marlon Daguro, magsasaka at residente ng Ipil sa bayan ng Echague, Isabela.

Ayon sa ulat, nakaramdam ng panghihina at pagkahilo si Daguro nang manggaling ito sa bukid.


Naisugod pa ito sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay, pinayuhan ng mga manggagamot ang publiko na uminom ng maraming tubig lalo na ngayon at sobrang init ng panahon.
DZXL558

Facebook Comments