Dalawang katao, pinagbabaril patay sa Navotas City

Manila, Philippines – Patay ang dalawang katao kabilang ang isang vendor matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa B. Cruz Street Brgy. Tangos Navotas City.

Kinilala ang mga biktima na sina Esteban Lansangan Jr. Vendor at Danilo Viojan, 55 anyos.

Batay sa imbestigayon ng pulisya hindi pa nila matukoy kung ilan ang mga armadong suspek na pumasok sa bahay ng biltimang si Lansangan Jr.


Napag-alaman na bisita lamang ni Lansangan Jr. ang napatay na si Viojan.

Base sa pahayag ng kapatid ni Lansangan Jr. walang kasalanan ang kanyang kapatid at itinuro si Viojan na posibleng target ng mga suspek.

Ayon kay Navotas Police Commander P/Sr/Supt. Dante Novicio nasa drug watchlist ng pulisya ang dalawang biktima.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang pagkakilanlan at motibo ng mga suspek sa pagpatay kina Lansangan at Viojan.
DZXL558

Facebook Comments