Dalawang katao, pinagbabaril patay sa QC

Manila, Philippines – Patay ang dalawang katao matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa Brgy. Commonwealth Quezon City.

Kinilala ang mga biktima na sina Ramon Misa at Manuel Fajardo, residente ng Niñada Street Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, unang napatay ng tatlong mga suspek ay si Fajardo at agad na isinunod na barilin si Misa.


Napag-alamang maliban na umano sa tatlong mga suspek may pito pang kasamahan ang mga ito na nagsilbing lookout sa labas ng bahay ng mga biktima.

Hindi pa rin matukoy ng mga awtoridad ang tunay na motibo ng pagpaslang kina Fajardo at Misa at wala rin nakakita mga tumakas na suspek na sakay ng mga motorsiklo.
DZXL558

Facebook Comments