Dalawang Katao, Timbog sa Isinagawang Oplan Bulilyo!

Ilagan City, Isabela- Huli sa akto ang dalawang katao matapos magsagawa ang PNP Ilagan ng operasyon kontra illegal na sugal o Oplan Bulilyo sa Barangay Baculud, Ilagan City.

Sa pinagsanib na pwersa ng PNP Ilagan, IPPO, CPS, PIB at CIDG natimbog ang mga suspek na kinilalang sina Joshua Madria, 18 anyos, residente ng Barangay Bagumbayan, at Myriam Castro, 66 anyos at residente naman ng Barangay Baculud.

Batay sa report, nakatanggap umano ng impormasyon ang PNP Ilagan tungkol sa isinasagawang Illegal na sugal partikular ang Jueteng.


Agad umanong umaksyon ang PNP, IPPO, CPS, PIB at CIDG at nagpadala ng mga pulis upang magmatyag sa naturang lugar.

Aktong nangongolekta ng taya sina Madria at Castro ng madakip ng mga otoridad at nakumpiska sa kanila ang iba’t-ibang uri ng gamit sa jueteng at pera na may kabuuang halaga ng 969 pesos.

Agad na dinala sina Castro at Madria sa Gov. Faustino N. Dy Memorial Hospital para sumailalim sa Physical Examination at ngayon nahaharap sa kasong paglabag ng RA 9287 o Anti-Illegal Gambling Act.

Facebook Comments