Dalawang Katao, Timbog sa kasong Falsification!

48

San Manuel, Isabela – Arestado ang dalawang indibidwal sa kasong pamemeke ng mga dokumento matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest ng mga ito pasado alas onse ng tanghali sa Brgy. Sandiat, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang mga naaresto na sina Flora Alamani Mercado, 69 anyos, may asawa at Eufromio Guerrero Mercado, 60 anyos, may asawa at kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP San Manuel ang dalawang katao sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Ramorelia P. Lodriguito-Caranay ng 13th MCTC San Manuel-Aurora, San Manuel, Isabela dahil sa kasong Falsification of Public Documents sa ilalim ng criminal case number 2019-05 hanggang 08.

Nasa himpilan na ng PNP San Manuel ang dalawang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin ng mga ito.

Pansamantala namang makakalaya ang dalawa kung makakapaglagak ng kanilang inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng P36,000.00 bawat isa.

Facebook Comments