Dalawang Kataong may Kasong ESTAFA sa Lungsod ng Ilagan, Arestado!

Ilagan City, Isabela- Arestado ang dalawang katao sa kasong ESTAFA matapos magsilbi ng mandamyento de aresto ang panig ng PNP Ilagan sa brgy. Bliss Village, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang mga akusado na sina Maripaz Ricafrente, 42 anyos, may-asawa at si Romualdo, Ricafrente 43 anyos, mga pawang residente sa naturang barangay.

Nadakip ang dalawang akusado sa bisa ng ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Jeffrey Cabasal ng MTCC, 2nd Judicial Region. Ilagan City sa ilalim ng criminal case number 18-129.


Samantala, sa ngayon ay nasa himpilan na ng kapulisan ang dalawa habang pansamantala namang makakalaya kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng labing walong libong piso (18,000 Php).

Facebook Comments