Inilatag ng mga siyentipiko ng International Rice Research Institute o IRRI kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang dalawang varieties ng bigas na may mababang glycemic index.
Ito ang unang batch ng tinatawag na ultra-low GI rice samples na binuo para makatulong na mapababa ang mga kaso ng diabetes sa buong mundo.
Kasama sa natukoy na may mababang GI Philippine varieties ay tinatawag na IRRI 147 at IRRI 125.
Batay sa datos ng International Diabetes Federation, mayroong 537 milyong mga tao ang may diabetes noong 2021 at inaasahang tataas pa ang bilang sa 47% pagsapit ng 2047.
Sa talumpati naman ni Pangulong Ferdinand Marcos, sinabi nitong nagpapasalamat siya sa pagsasagawa ng 6th International Rice Congress sa bansa.
Tiyak ayon sa pangulo na mapo-promote at made-develop ang paggamit ng mas kalidad na rice varieties at technologies katulad ng ultra-low glycemic index.
Kaugnay nito, inasaahan ang malaking market potential ng dalawang bagong klase ng bigas kaya naman possible na maipakalat pa ito sa mga palengke sa loob ng dalawang taon sa pakikipagtulungan ng IRRI at PhilRice.