Dalawang klase ng COVID-19 vaccine, posibleng dumating na sa bansa sa Pebrero

Dalawang klase ng bakuna kontra COVID-19 ang maaaring dumating nang mas maaga sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa Pebrero ay posibleng maging available na ang COVID-19 vaccine sa bansa.

Si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na aniya ang bahalang mag-anunsyo sa brands ng mga bakuna.


Matatandaang Sabado nang lumagda ang Pilipinas ng kasunduan sa pagbili ng 30 million doses ng COVID-19 vaccine na Covovax mula sa Serum Institute of India.

Lumagda rin ang gobyerno at ilang pribadong kompanya ng tripartite deal sa AstraZeneca para sa pagbili ng 2.6 million doses ng bakuna.

Facebook Comments