Nanawagan sina Overseas Workers Affairs Committee Chairman and KABAYAN Party-list Rep. Ron Salo at OFW Party-list Rep. Marissa Magsino sa United Nations at iba pang international organizations na umaksyon para maawat ang mga pag-atake ng Houthi rebels.
Apela ito nina Salo at Magsino, kasunod ng pag-atake ng Houthi rebels sa Gulf of Aden na ikinasawi ng dalawang Pilipinong seafarers habang ang iba ay nasugatan.
Ayon kay Salo, bukod sa epekto sa ekonomiya ng nabanggit na mga pag-atake ay nalalagay rin sa peligro ang buhay ng mga inosenteng sibilyan katulad ng mga Filipino seafarers.
Mensahe naman ni Magsino sa UN Security Council, mamagitan sa pagbibigay ng seguridad sa mga barko na naglalayag sa mga rutang ito na nakalaang baybayin sa pandaigdigang pangkalakalan.
Binanggit din ni Magsino na nais lamang ng ating mga Filipino seafarers na magtrabaho at mamuhay nang mapayapa subalit nadamay sila sa mga geopolitical tensions na bumabalot sa mga bansa ng kanilang vessels o kaya sa rutang dinadaanan nila sa karagatan.