Dalawang kongresistang nakunan ng video na nanonood ng online sugal, pinag-so-sorry at pinagpapaliwanag

Pinag-so-sorry at pinagpapaliwanag ni Senate Committee on Games and Amusement Chairman Erwin Tulfo ang dalawang kongresistang nakunan ng video na nanonood ng hinihinalang online sugal habang nasa gitna ng plenary session.

Ayon kay Sen. Erwin, bilang mga mambabatas ay dapat na ginagawa nila ang kanilang trabaho kahit pa sabihing boring ito dahil binabayaran at sinuswelduhan sila ng gobyerno at ng taumbayan.

Tanong ng mambabatas, bakit nanonood ng sugal gayong nasa gitna sila ng trabaho at kung hindi makontrol ang pagka-adik sa sugal ay dapat tapusin ang trabaho at doon sa bahay na lamang nila ito gawin.

Pero paalala ng senador, serious business ang plenary session at mahigpit na ipinagbabawal ang paglalaro ng sugal sa lahat ng opisyal ng gobyerno.

Ipinauubaya naman ni Sen. Erwin sa Committee on Ethics ng Kamara ang pagpapatawag at pagdidisiplina sa mga kongresistang nakunan ng video na nanonood ng online sabong habang ang isa ay mukhang card games pa ang pinapanood.

Facebook Comments