Pormal nang naupo ang bagong acting mayor at Vice Mayor ng Urdaneta City matapos masuspinde si Rammy Parayno att Jimmy Parayno.
Si Councilor Rio Esteves ang naging Acting Mayor at si Councilor Blesildo Sumera naman ang uupong Acting Vice Mayor, kung saan tinanggap ng mga ito ang posisyon sa isinagawang flag ceremony sa Old City Hall, kahapon.
Isinapubliko naman ng DILG Region 1 ang liham nito kaugnay sa naganap na assumption of office ng dalawa na pinirmahan ni DILG Region 1 Regional Director Jonathan Leusen.
Kamakailan, binakuran ng pulisya ang city hall upang pagbawalan ang pagpasok ni Urdaneta City Mayor Parayno at Vice Mayor Jimmy Parayno base sa kautusang ibinaba ni DILG Sec. Jonvic Remulla.
Samantala, ayon sa DILG Region 1 posibleng makasuhan ang rank 1 hanggang 6 na konsehal dahil sa pagsuway sa rule of succession at utos DILG upang maging alkalde at bise sa lungsod.
Sinisikap ng puwersa ng IFM News Dagupan na makunan ng pahayag ang mga nasuspindeng opisyal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨