Arestado sa ikinasang magkahiwalay na operasyon ang dalawang South Koreans na international fugitives sa lungsod ng Parañaque.
Sa ulat ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana ang dalawang naarestong puganteng South Koreans ay sina Yu Daewoong, 39-anyos at Kang Wesung, 36-anyos, na kapwa subject sa Interpol Red Notice.
Sila ay pangalawa at pang-apat na most wanted online fraud suspects.
Sa ulat ng PNP, si Yu ay naaresto sa Hawaii Street, Parañaque City habang si Kang ay naaresto sa Miami Tower, Penthouse 20, Azure ng nasabing lungsod ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) -Major Crimes Investigation Unit at mga agents mula sa Bureau of Immigration (BI).
Sila ay nahaharap sa mga kasong kriminal sa South Korea dahil sa online fraud activities.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng CIDG ang mga naaresto para sa documentation at proper disposition.