Dalawang kumpanya, kinasuhan ng BIR ng tax evasion sa DOJ

Manila, Philippines – Dalawang kumpanya ang kinasuhan ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ).

Ang mga kinasuhan ng BIR ay ang Brand Benefits Advertising Inc. at Condi William Industrial Company.

Nais panagutin ng BIR sina Ireneo Panganiban na tumatayong Presidente ng Brand Benefits at Daniel Chua-General manager ng Condi William.


Ayon sa BIR, bigo ang Brand Benefits na magbayad ng P34.5-Million na buwis para sa taong 2011.

Aabot naman sa P70-Million ang sinasabing hindi nabayarang buwis ng Condi William noong taong 2009.

Ito na ang ika-61 at ika-62 kaso na isinampa ng bagong liderato ng BIR sa DOJ bilang bahagi ng kanilang Run After Tax Evaders O RATE program.

Facebook Comments