DALAWANG LALAKI, ARESTADO DAHIL SA ILEGAL NA DROGA AT ARMAS

Arestado sa buy-bust at entrapment operation ng pulisya ang dalawang lalaki dahil sa ilegal na droga at armas sa Brgy. Dulag, Lingayen.

Kinilala ang mga suspek na nasa edad 30at 21, pawang residente sa bayan.

Nakumpiska ng awtoridad ang 9 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P61,200, buy-bust money at isang calibre 22 na revolver.

Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments