Dalawang lalaki, arestado matapos magwala at maghamon ng away sa Marikina City

Kalaboso ang dalawang magkaibigan matapos magwala at bastusin ang mga pulis sa Brgy. Tumana, Marikina City.

Sa nakuhang impormasyon ng DZXL RMN Manila, isang sumbong mula sa concerned citizen ang natanggap ng mga pulis hinggil sa pagwawala ng mga suspek na sina Jay De Guzman at Rodrigo Ijares.

Nang puntahan ng mga otoridad, nakitanilajg nagbabasag ng bote ang dalawa at naghahamon ng away.


Sinubukang awatin sina De Guzman at Ijares pero nagpupumiglas ang mga ito saka pinagsisigawan at binabastos ang mga pulis.

Napilitan ang mga tauhan ng Police Community Precint station 4 na arestuhin ang dalawa kung saan hanggang sa pagsapit ng presinto ay hindi pa din sila nagpapa-awat.

Facebook Comments