
Dalawang lalaki ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng mga pulis sa bayan ng Rosales, Pangasinan.
Sa ulat ng Rosales Municipal Police Station, ang operasyon ay isinagawa sa koordinasyon ng PDEA Region 1 at nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang suspek, kapwa barbero at residente ng Pangasinan.
Nasamsam sa kanila ang tinatayang 5.67 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang mahigit ₱38,000, nakalagay sa tatlong pakete ng heat-sealed plastic sachets. Narekober din ang mga marked money, ilang cellphone, bag, pitaka na naglalaman ng iba’t ibang ID, pera, at isang motorsiklong ginamit umano sa transaksyon.
Isinagawa sa lugar ng operasyon ang inventory at pagmamarka ng mga ebidensya sa presensya ng mga opisyal at saksi alinsunod sa batas. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Rosales Police Station ang mga suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









