Dalawang lalaki, arestado sa illegal drug operation sa Sto. Niño South Cotabato

South Cotabato, Philippines – Huli ang dalawang suspek sa isinagawang drug operation ng pinagsanib na pwersa ng Sto. Niño Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 sa Purok Malipayon, Barangay Ambalgan, Sto. Niño, South Cotabato.
Kinilala ang mga suspek na sina Julius Labrador Conejar, 37-anyos, may asawa at Allan James PalomoPalmes, 42-anyos, may asawa, magsasaka at kapwa residente ng Prk. 2, Brgy. Rajamuda, Tacurong City, Sultan Kudarat.
Napag-alaman agad na nagsagawa ng checkpoint operation ang PDEA at kapulisan matapos makatanggap ng impormasyon na may dalang shabu ang mga suspek mula Brgy. Ambalgan patungong Tacurong City.
Nakuha sa mga suspek ang isang medium heat sealed transparent plastic sachet ng shabu na may timbang na 0.09 grams at nagkakahalaga ng P700.00.
Paglabag naman sa Section 5 ng Republic Act 9165 ang isinampang kaso laban sa mga suspek.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments