Dalawang lalaki, arestado sa isinagawang pagpapatrolya ng mga pulis sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki, sa isinagawang pagpapatrolya ng mga pulis sa permanent housing tapat ng building 17 sa Tondo, Maynila makaraang maaktuhang nagsusugal ang mga ito.

Kinilala ang mga suspect na sina Bong Francisco, 30-anyos at Angelito Dela Cruz, 34-anyos na kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Nakuha mula sa pangangalaga ng mga ito ang limang daang piso at mga barya na ginagamit sa cara y cruz.


Mahaharap ang mga suspect sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling.

Facebook Comments