Naaresto ng pulisya ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na operasyon laban sa iligal na droga sa mga bayan ng Sta. Barbara at Bayambang, Pangasinan.
Unang nahuli ang isang 34-anyos na may-ari ng kantina na itinuturing na street-level individual, kung saan nasabat ang tinatayang 43 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱292,000.
Sa Bayambang naman, nasakote ang isang 45-anyos na tricycle driver sa bisa ng warrant of arrest, at nakuha sa kanya ang 23 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱156,400.
Ayon sa pulisya, nagpapatuloy ang kanilang pinaigting na operasyon upang maputol ang kalakalan ng iligal na droga sa lalawigan.
Facebook Comments









