Arestado ang dalawang kalalakihan sa pagnanakaw ng isang kambing sa Brgy. Papagueyan, Binmaley.
Ang mga suspek, pawang tricycle driver na residente ng Manaoag at Dagupan City.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, nahuli mismo ng may-ari ang isa sa mga suspek habang tangay ang babaeng kambing na nagkakahalaga ng P10, 000.
Nakatakas ang isang kasamahan nito ngunit agad naaresto sa ikinasang hot pursuit operation. Haharap sa kaukulang kaso ang mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments