DALAWANG LALAKI ARESTADO SA PAGNANAKAW NG MGA KAMBING AT MANOK SA UMINGAN

Arestado ang dalawang lalaki matapos mahuling nagnanakaw ng mga alagang hayop sa Brgy. San Vicente, Umingan noong Lunes, Nobyembre 24.

Ayon sa imbestigasyon, bandang 11:30 AM, isang saksi ang nakakita sa dalawang suspek habang ikinakarga ang isang kambing, na pagmamay-ari ng isang 43-anyos na lalaki, sa tricycle na walang plaka.

Agad na tumakas ang mga suspek, ngunit sa tulong ng mga kapitbahay ng biktima, nahuli ang mga ito sa Brgy. San Andres makalipas ang ilang minuto.

Narekober mula sa mga suspek ang apat na kambing at tatlong manok panabong na pagmamay-ari ng tatlong biktima—isang 43-anyos, isang 49-anyos na magsasaka, at isang 64-anyos na tricycle driver, na parehong mga residente ng Umingan.

Dinala ang mga suspek sa Umingan MPS matapos sumailalim sa medical checkup, kasama ang mga naibalik na hayop at ang tricycle na ginamit sa krimen.

Kasalukuyan silang nahaharap sa kasong Qualified Theft ang mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments