Dalawang lalaki, arestado sa pambubugbog sa isang limang taong gulang na bata

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki matapos bugbugin ang inampon nilang limang taong gulang na bata sa lungsod ng Maynila.

Positibong itinuro ng bata ang mag-amang sina Bayani at Niño Cortes na nanakit sa kaniya.

Ayon sa pulisya, nagtamo ang bata ng mga pasa sa kaliwang binti habang sa kanan ay nabali siya ng buto, dislocated ang mga braso at may mga galos at sugat sa mukha.


Itinanggi naman ng mag-ama ang paratang sa kanila.

Ang mga suspek ay malayong kamag-anak ng bata na kumupkop sa bata matapos maghiwalay ang mga magulang nito.

Kasabay ng pagsisisi sa pag-iwan sa anak, nais ng ina nito na ituloy ang reklamong serious physical injuries in relation to child abuse sa mga suspek.

Facebook Comments