DALAWANG LALAKI, ARESTADO DAHIL SA PANGGUGULO SA URBIZTONDO

Arestado ang dalawang lalaki sa bayan ng Urbiztondo, Pangasinan matapos magdulot ng kaguluhan at manlaban sa mga pulis kagabi, Nobyembre 3, 2025 sa Brgy. Poblacion.

Batay sa imbestigasyon ng Urbiztondo Police Station, nakatanggap ng tawag para sa tulong ang mga awtoridad mula sa isang residente kaugnay ng dalawang lalaking umano’y nagwawala sa gitna ng kalsada habang lasing at nagsabog pa ng basag na bote.

Agad naman na rumesponde ang mga pulis at inaresto ang mga suspek na parehong nasa ilalim ng impluwensya ng alak. Gayunman, nanlaban umano ang mga ito sa mga operatiba, dahilan upang masampahan sila ng kasong Alarm and Scandal at Direct Assault upon an Agent of Authority.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Urbiztondo Police Station para sa tamang disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments