DALAWANG LALAKI, HULI DAHIL SA KABUUANG LABING APAT NA BILANG NG KASONG RAPE SA PANGASINAN

Arestado ang dalawang lalaki na nahaharap sa labing apat na bilang ng magkaibang uri ng panggagahasa sa magkahiwalay na operasyon ng awtoridad noong Pebrero 10 sa Pangasinan.

Sa Dagupan City, arestado sa bisa ng warrant ang isang jeepney driver, na kinilala bilang ika-walo sa Most Wanted sa Rehiyon, matapos kasuhan ng siyam na bilang ng kasong statutory rape sa Barangay Mayombo.

Walang inirerekomendang piyansa ang kasong isinampa sa suspek.

Samantala, isang 18 anyos naman na binata ag timbog dahil sa kasong sexual assault at limang kaso ng panggagahasa sa Barangay Poblacion Central, Sison.

Ang patong-patong na kaso ng suspek ay may nakatakdang piyansa na P200,000.

Matapos sumailalim sa medical at physical examination, dinala ang mga suspek sa mga himpilan ng pulisya at kasalukuyang nakapiit habang isinasagawa ang kaukulang disposisyon ng kaso.

Kaugnay nito, hinihikayat naman ng mga awtoridad ang mga magulang na maging mapagmatyag sa kaligtasan ng kanilang mga anak at agad na iulat sa kapulisan ang anumang kahina-hinalang gawain o paglabag sa batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments