Dalawang Lalaki, Huli sa Buy Bust Operation ng PNP Santiago City!

187

Santiago City, Isabela- Arestado ang dalawang indibidwal sa isinagawang buy bust operation noong Pebrero 8, 2018 sa Santiago City, Isabela.

Kinilala ang isang suspek na si Catalino Ruma, 32 anyos, helper at residente ng Pangal Norte, Echague, Isabela.


Nahuli ang suspek matapos magbenta ng isang sachet ng shabu sa isang PDEA agent sa ikinasang drug buy bust operation ng pinagsanib pwersang PDEA RO2 na pinangunahan ni City Officer Romarico Pagulayan, SCPO, CIB, Station 2 PNP Santiago City at Station 1 PNP Santiago City na pinangunahan ni PCI Rolando Gatan at PSI Florentino Mawirat sa Brgy. Calaocan, Santiago City, Isabela.

Nakuha pa mula sa suspek ang isang libong pisong buy bust money.

Hawak na ng pulisya ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Samantala, arestado rin ang isang lalaki na si Lordwynn Jeff Llano Pilotin sa pagbebenta ng iligal na baril sa isinagawang buy bust ng Station 1 PNP Santiago City sa pangunguna ni PCI Rolando Gatan, SCPO at CIDG.




Nakuha mula sa suspek ang isang caliber 38 na baril, buy bust money at Cellphone.

Hawak na ng CIDG ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments