
Cauayan City, Isabela — Arestado ang dalawang lalaki, kabilang ang isang 15-anyos na menor de edad, sa isang buy-bust operation na isinagawa ng pulisya sa Roque Street, Purok 1, Barangay Dubinan East, Santiago City.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Jojo, 20 anyos, walang trabaho, at alyas Boyet, 15 anyos, isang construction worker, kapwa residente ng Atienza Street, Purok 6, Barangay Malini, Malvar, Santiago City.
Nahuli ang dalawa matapos maaktuhang nagbebenta ng hinihinalang tuyong dahon at bunga ng marijuana na nakalagay sa isang nakatiklop na puting papel sa isang poseur buyer.
Narekober mula sa mga suspek ang buy-bust money na nagkakahalaga ng ₱1,500—binubuo ng isang genuine ₱500 bill at isang ₱1,000 boodle money—isang cellphone, at isang motorsiklo.
Dinala ang mga suspek sa Santiago City Police Station para sa imbestigasyon at dokumentasyon.
Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.









