Dalawang Lalaki, Kulong sa Kasong Pagnanakaw!

45

*Roxas, Isabela- *Natimbog na ng mga otoridad ang dalawang lalaki na wanted sa batas matapos isilbi ang kanilang warrant of arrest sa Brgy. Rang-ayan, Roxas, Isabela.

Kinilala ang dalawang akusado na sina Edgar Vinarao, 36 anyos, walang asawa, isang helper, residente ng Sitio Karagsakan Brgy. Rizal, Roxas, Isabela at Jimmy Macanig, 49 anyos, isang driver at residente naman ng Brgy. Rang-ayan, Roxas, Isabela.

Inaresto ng mga kasapi ng PNP Roxas sina Vinarao at Macanig dahil sa kanilang kasong Qualified Theft sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bernabe B. Mendoza ng RTC Br 23 Roxas, Isabela.

Dinala na sa Roxas Police Station ang dalawang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Samantala, pansamantalang makakalaya sina Vinarao at Macanig kung makakapaglagak ng inirekomendang piyansa na tig apatnapung libong piso (P40,000.00).

Facebook Comments