Dalawang Lalaki na may Kasong Estafa, Arestado!

89

*Cordon, Isabela- *Huli ng mga otoridad ang dalawang lalaki na wanted sa batas matapos isilbi ang kanilang Warrant of Arrest sa Brgy. Villamarzo, Cordon, Isabela.

Kinilala ang dalawang akusado na sina Mark Anthony Dela Cruz, 37 anyos, at Emerson Reyes, 23 anyos, kapwa residente ng Brgy Villamarzo, Cordon, Isabela.

Nadakip ang dalawang akusado sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni judge Paul R. Attolba ng RTC Br. 30 Bambang, Nueva Vizcaya dahil sa kasong Estafa.


May inirekomendang piyansa ang korte para sa kanilang pansamantalang kalayaan na tig 80,000.00 pesos.

Dinala sa himpilan ng PNP Cordon ang dalawang akusado para sa kanilang karagdagang dokumentasyon bago dalhin sa kanilang court of origin.

Ang pagkakaaresto nina Mark Anthony Dela Cruz at Emerson Reyes ay sa pamamagitan ng pinagsanib pwersa ng PNP Cordon at Quezon Police Station NVPPO sa pangunguna ni PCPT Angelo Dasalla.



Facebook Comments