Dalawang lalaki na planong mangholap sa isang motorcycle shop sa Cavite, arestado sa Maynila

102

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang lalaking hinihinalang holdaper matapos mahulihan ng bonnet, gun replica at patalim sa may Retiro St. Sampaloc Maynila.
Kinilala ni Police Senior Inspector Pidencio Saballo Jr. ang riding in tandem na sina mark James Macalipay at Johnny Cezar Cañete.

Sakay ng motorsiklo ang dalawa nang sitahin sa Retiro St. dahil amoy alak at walang maipakitabg driver’s license.

Nang dalhin sa istasyon ng pulisya, napansin ni saballo na tinatago tago ng isang suspect ang kaniyang cellphone.


Nang basahin ang mga messages, nabuko ang planong panghoholdap sa Motortrade Molino Branch sa Cavite.

Sinabi pa ni Saballo na batay sa kanyang nabasa sa text message ng suspect, lumilitaw na kasabwat ang branch manager at hold up me daw ang palilitawin.
Dagdag pa ni Saballo na nakipag ugnayan na umano sila sa management ng Motortrade para sa pormal na complaint laban sa kanilang empleyado na nakipagsabwatan sa mga kriminal.

Facebook Comments