Dalawang lalaki na tulak umano ng iligal na droga sa Muntinlupa, arestado sa buy bust operation

41

Timbog ang dalawang lalaking nagtutulak umano ng ipinagbabawal na droga sa lungsod ng Muntinlupa matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kaniya.

Nakilala ang mga suspek na sina Gilbert Saguid Quintana, 34-anyos at Silvino Lopera Molera, 50-anyos, parehong residente ng nasabing lungsod.

Nakuha mula sa kaniya ang 2.5 gramong umano’y shabu na may katumbas na halagang P17,000 at ang P300 na ginamit bilang buy-bust money.

Ginawa ang nasabing operasyon sa Purok 7 Brgy. Poblacion pasado alas-2:30 ng hapon kahapon matapos mabilhan ang suspek ng umano’y shabu ng isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer.

Nakakulong na ang suspek sa Muntinlupa Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments