Dalawang lalaki na tulak umano ng iligal na droga sa San Juan City, arestado sa buy-bust operation

Timbog ang dalawang lalaki na tulak umano ng ipinagbabawal na droga sa San Juan City matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila pasado alas-7:30 kagabi.

Nakilala ang suspek na sina Reynaldo Dela Cruz Borjal, alyas “Teret”, 53-anyos; at Rodelio Tugadi Cruz, alyas “Boljack”, 55-anyos.

Nakuha mula sa kanila ang 3.9 gramo na hinihinalang shabu na may katumbas na halagang ₱26,520.


Ginawa ang operasyon sa kahabaan ng P.R. Sotto St., Brgy. Onse, lungsod ng San Juan matapos makumpirma ang iligal na transakyon ng mga suspek kaugnay sa ipinagbabawal na droga.

Nakakulong na ang mga suspek sa San Juan Philippine National Police (PNP) at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments