Tuesday, February 17, 2026

DALAWANG LALAKI, NAHULIHAN NG SHABU SA CHECKPOINT SA SAN NICOLAS

Nahuli ang dalawang lalaki sa isinagawang checkpoint ng San Nicolas Municipal Police Station noong Pebrero 16 matapos matagpuan ang 2.5 gramo ng hinihinalang shabu sa kanilang mga gamit.

Ayon sa ulat, magkasunod na hininto ang dalawang suspek habang sakay ng magkahiwalay na motorsiklo para sa routine inspection.

Sa proseso ng checkpoint, nakitaan ang isa sa kanila ang isang transparent na sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may tinatayang halaga na ₱17,000.

Agad na inaresto ng mga pulis ang dalawa at ipinaalam ang kanilang karapatan.

Narekober din ang iba pang kagamitan kabilang ang drug paraphernalia, dalawang motorsiklo, at halagang ₱10,650.

Naitala at namarkahan ang mga ebidensya sa presensya ng mga saksi, bagaman natapos ang proseso sa barangay hall dahil sa biglang pag-ulan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Nicolas MPS ang mga suspek para sa karagdagang imbestigasyon at legal na proseso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments