Dalawang magkahiwalay na kaso ng pagkalunod ang naitala sa Pangasinan nitong bisperas ng Pasko.
Nalunod ang isang 23 anyos na lalake, tubong Rizal, Kalinga sa San Fabian Beach nang matangay ito ng malaking alon at napunta sa malalim na bahagi ng dagat.
Nasawi rin ang 59 anyos na lalaki sa Bolinao dahil sa malalakas na hampas ng alon na nagdulot ng kanyang pagkalunod.
Muling pinaaalalahan ang publiko ng ibayong pag-iingat sa tuwing nagtutungo sa mga baybayin upang maiwasan ang naturang insidente.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments