Nasakote ang dalawang lalaki, na pawang mga construction worker, matapos mahuli sa aktong nagnanakaw ng kable sa solar power plant sa Brgy. Cayanga, Bugallon, Pangasinan.
Ayon sa pulisya, isinuko ng mga naka-duty na guwardiya ang mga suspek kasama ang isang bag na may lamang kable sa himpilan.
May halagang ₱2,000 ang copper wires na sinubukang tangayin ng mga suspek.
Bago pa ang insidente, napansin na umano ang dalawang suspek na palakad-lakad sa paligid ng planta kaya minanmanan na ang mga ito.
Sa pakikipag-ugnayan ng IFM News Dagupan sa Bugallon Municipal Police Station, nasa kanilang kustodiya pa rin ang mga suspek at kasalukuyang inihahanda ang mga dokumento para sa kasong isasampa laban sa mga ito.
Facebook Comments








